Tuesday, October 10, 2006

undas

binabalutan ng lamig
naninindig ang balahibo
ng naiwang nagdarasal
para sa walang hanggang kaligayahan
nangungulila sa yakap ng pumanaw
ngunit takot sa pagmumulto ng alaala

minsan masakit para sa pumanaw
ang pagtanggap ng naiwan
sa kanyang kamatayan

3 Comments:

Blogger Sinukuan said...

nangungulila sa yakap ng pumanaw
ngunit takot sa pagmumulto ng alaala.


bakit kaya ganon?

7:52 AM  
Blogger Sinukuan said...

pero kung sa bagay, hindi naman kamatayan ang dapat gunitain. Hindi naman kamatayan ang ginugunita tuwing undas kung hindi ang pagkabuhay - ang muli't-muling pagkabuhay.

7:55 AM  
Blogger Sinukuan said...

salamat sa tula at sa lahat *yes drama mode*.

wala lang, sana magbonding moments pa tayo ng madalas bago ka man lang gumradweyt. hmp.

at nainspire ka rin naman talaga na magblog noh? aayaw-ayaw ka pa diyan. oo pala, warif maglagay ka ng tagboard mo? tuturuan kita.

7:56 AM  

Post a Comment

<< Home