Monday, November 06, 2006

mahal kong potograper

huwag mong bitiwan
ang iyong lente
dahil sa higpit ng iyong kapit
kita natutunang mahalin
at, alam kong, ng marami pang iba
pati na ang mata mong
marunong lumugar at maghanap ng puwesto
na kaya at alam kung paano at kailan
patigilin ang mundo


bukas mainit ang pagtatalik
ng anino at liwanag
na iluluwal ng mapanuyong araw

gamitin mong lente ang pag-ibig
at sapat na sa aking
makulong ako
sa pinakamaganda mong litrato

ngunit umaasa akong balang-araw
mapagtanto mong
hindi ito perpekto
may kulang...

may kulang...

1 Comments:

Blogger Sinukuan said...

wow.

2:06 AM  

Post a Comment

<< Home