Friday, February 02, 2007

ani

sapat na rin ang mga nagdaang ulan
huwag nang hintayin ang unos
kalabisang nakamamatay

maraming naghihintay
mga pinggang matagal nang walang laman
mga maya na nabubuhay na lang
sa uod

mga uod na hindi man kasali
malugod na hinihintay
ang isa-isang pagtumba ng palay
kamatayang bumubuhay

gusto kong kasabay kita sa panahong
isa-isa nating huhubaran ang palay

kahit kalimutan mo na ako
sa panahon ng taniman

iba na ang iwanan mo akong busog....

4 Comments:

Blogger Sinukuan said...


mga uod na hindi man kasali
malugod na hinihintay
ang isa-isang pagtumba ng palay
kamatayang bumubuhay



Mga matang nakatulala;
Mga labing nakanganga
Namamangha sa kanyang
Iniibig niya
Kahit hindi naman siya nito

Kilala.

3:40 PM  
Blogger Sinukuan said...

kaman! i sooooo lav this one! i lavet! i lavet!

3:41 PM  
Blogger pintigsasingit said...

Mga matang nakatulala;
Mga labing nakanganga
Namamangha sa kanyang
Iniibig niya
Kahit hindi naman siya nito

Kilala.


ano ang mas masakit..ang hindi ka kilala? o ang kilala ka pero patuloy pa rin ang iyong pagnganga?

1:45 AM  
Blogger Sinukuan said...

ano ang mas masakit..ang hindi ka kilala? o ang kilala ka pero patuloy pa rin ang iyong pagnganga?

pareho lang yun.

literal lang na hindi ka kilala dun sa isa at piguratibo namang hindi ka kilala dun sa isa. pareho lang masakit dahil wala ka lang. wala ka lang.

8:30 PM  

Post a Comment

<< Home