ano na uli ang pangalan mo?
sa tinagal-tagal
nakalimutan ko na rin
isang tinik na nabunot
sa aking lalamunan
matagal-tagal pa
ang sa puso
alam ko
masaya na rin ako
sa ganitong
maayos na ang aking paglunok
ng laway
nakapapawi na rin ng uhaw
matagal na ring
naghilom ang gasgas
sa tuwing binabanggit ko
ang pangalan mo
at inuubo ko
ang aking pag-ibig
para sa'yo...
ibulong mo uli sa akin
ang pangalan mo
baybayin mo nang tama
magugulat ka
hindi ko pa rin maaalala...
nakalimutan ko na rin
isang tinik na nabunot
sa aking lalamunan
matagal-tagal pa
ang sa puso
alam ko
masaya na rin ako
sa ganitong
maayos na ang aking paglunok
ng laway
nakapapawi na rin ng uhaw
matagal na ring
naghilom ang gasgas
sa tuwing binabanggit ko
ang pangalan mo
at inuubo ko
ang aking pag-ibig
para sa'yo...
ibulong mo uli sa akin
ang pangalan mo
baybayin mo nang tama
magugulat ka
hindi ko pa rin maaalala...
2 Comments:
parang eternal sunshine of the spotless mind ang drama.
self-defense mechanism ng puso.
lumimot.
malamang andito na naman si daena...at nagkokomento...ehehehe
hmmmm...true true...minsan kailangan talagang makalimutan ang mga bagay-bagay...inevitable yun...
hindi ako naniniwala sa pagpapanatili ng kalungkutan sa aking sistema para gumabay sa buhay...
Post a Comment
<< Home