Tuesday, February 13, 2007

asa

sinubukan kong ilubog
ang aking mga paa sa putik
nagbaka-sakaling
matisod ko
ang matagal ko nang hinahanap

nakailang ikot na rin
ang aking talampakan
walang gumuhit
walang kumalabit

umalis akong walang napala
kundi ang malaman
kung gaano na kalalim
ang naghalong
luha at dumi

5 Comments:

Blogger Sinukuan said...

Halika, iaahon na kita diyan sa putik. Alam kong hindi mo kayang umahon mag-isa. Hayaan mo nang mawala ang tsinelas mo. Sasamahan na lang kitang maglakad ng nakayapak.

8:36 PM  
Blogger pintigsasingit said...

syempre si daena na naman....hmmm...samahan mo ako....kaso bago mo ako iahon...bili ka muna ng bagong tsinelas....yokong magpaa....ayokong magkakalyo

5:27 AM  
Blogger Sinukuan said...

This comment has been removed by the author.

2:50 PM  
Blogger Sinukuan said...

what do you mean 'ako na naman'?

aba aba at nagsasawa ka na saken, ganun ba?


MODA. TAMPO. MODA.

2:50 PM  
Blogger pintigsasingit said...

"what do you mean 'ako na naman'?

aba aba at nagsasawa ka na saken, ganun ba?"

OF COURSE NOT....nahulaan ko lang kasi kung sino ang nag-comment...soulmates e...:>

yakap

12:06 AM  

Post a Comment

<< Home