daenamarami-rami na rin ang napagbuhusan ng nana
ng patuloy na pinipigang utak
marami-rami na rin ang naibahay na organismo
halu-halo na ang naging kulay
amoy at lapot ng likido
mga gumagapang na memorya
ng pagkakaibigan, bago, luma
at kalilipas na pag-ibig
mga hindi matukoy na pagmamahal at galit
at sa paghahalo'y kumukulo
sa galit sa pagmamhal
at lumiliyab
sa pagmamahal sa galit
mga inaagiw na alaala ng kabataan
nakangiti, pilit pinupunasan
ng pawisang kamay
mga haka-haka sa bukas na kailanman
kayang-kayang baguhin
dilaw pula putik
asul itim lila
mabaho mabango mapanghi masangsang
sipon ihi bendeta
luga tamod luha
minsan nga naman kailangang magsakripisyo ng utak
kung ayaw masaktan ang puso
chingminsan sa isang taon
takpan ang bintana ng makapal na karton
isarado ang pinto
tapalan lahat ang butas sa bubong
patayin lahat ng ilaw
mahiga at huwag gumalaw
huwag masyadong huminga
dahil minsan sa isang taon
kailangang magpahinga ng anino
sa mga panahong
mabilis ang buhay
mabilis na madali na lang ang mamatay
kung hindi man sya makapagpahinga
kahit minsan sa isang taon man lang
maranasan niyang makapiling ang kadiliman
maging bahagi ng katotohanang
nawawaglit sa pinakamapanglaw na liwanag
at maiiwan syang nag-iisa
naghahabol
nakikigaya
nakikibagay sa direksyon ng ilaw
walang pinipiling araw ng taon
ang kanyang kaarawan
ibigay mo naman minsan
rebolusyonpinagtagpo tayo ng galit at hinanakit
maganda ang pangako ng rebolusyon
magiging hari ang lahat
ngunit huwag na tayong umasa
ilang rebolusyon na ang nagdaang nagsinungaling
kahit ang rebolusyon ng kaliwa at kanang kamay
ng puso at isipan
naging hari ba ang lahat?
patuloy nating kakalampagin ang keyboard
rayuma lang ang makapagpipigil sa atin
salamat sa panahon
p.s. akayin niyo ang puso ko naninibago, hindi kasi sanay sa ganito....