Sunday, October 15, 2006

alinlangan

malaya kang ipukol pabalik ang bato
sa kanilang nangahas humusga
ngunit ang mga papuri ay mananatili ring
kasing tigas ng bato
kailanman ay hindi magiging tinapay

paano nga ba ang maligaw
sa mundong walang lansangan?

Tuesday, October 10, 2006

undas

binabalutan ng lamig
naninindig ang balahibo
ng naiwang nagdarasal
para sa walang hanggang kaligayahan
nangungulila sa yakap ng pumanaw
ngunit takot sa pagmumulto ng alaala

minsan masakit para sa pumanaw
ang pagtanggap ng naiwan
sa kanyang kamatayan