3rd world snowman
isipin mo nga
kung may mahirap na bansang
dinadalaw ng snow?
ako man ay nahihirapan.
mahirap ang aking tinatahak na daan
at kagaya ng pilipinas
mainit
ngunit di mo na ako
kailangang ipasok sa freezer
kusa akong lumalamig
hindi kagaya
ng tubig na ginagawang ice cubes
hindi ang pinakalabas
o ang pinkaibabaw
ang unang lalamig
titigas
dahil wala na sigurong mas lalamig pa sa aking puso
at dadaloy ang lamig palabas
sa mga ugat
papuntang lalamunan
kasabay ng baga
atay, bituka,bato
lahat ng laman loob...
pagkatapos noon
mga hita, kasabay ng braso
binti, sakong, paa
dulo ng daliri
at pagkatapos ng utak
titigas na rin
ang pinakadulo ng mahaba kong buhok...
nahihirapan ako
mainit ang paligid
ngunit kusang lumalamig
huwag mo akong kalabitin
matutumba na lang ako
at mababasag
kung may mahirap na bansang
dinadalaw ng snow?
ako man ay nahihirapan.
mahirap ang aking tinatahak na daan
at kagaya ng pilipinas
mainit
ngunit di mo na ako
kailangang ipasok sa freezer
kusa akong lumalamig
hindi kagaya
ng tubig na ginagawang ice cubes
hindi ang pinakalabas
o ang pinkaibabaw
ang unang lalamig
titigas
dahil wala na sigurong mas lalamig pa sa aking puso
at dadaloy ang lamig palabas
sa mga ugat
papuntang lalamunan
kasabay ng baga
atay, bituka,bato
lahat ng laman loob...
pagkatapos noon
mga hita, kasabay ng braso
binti, sakong, paa
dulo ng daliri
at pagkatapos ng utak
titigas na rin
ang pinakadulo ng mahaba kong buhok...
nahihirapan ako
mainit ang paligid
ngunit kusang lumalamig
huwag mo akong kalabitin
matutumba na lang ako
at mababasag
2 Comments:
parang tumutugma sa emotional status ko 'to ah. waaah...
type.^_^
o well....birds of the same feather flock together...
hindi ko nga lang napanindigan ang title...gusto ko kasi ang title pero ang laman...ayokong magcomment...
isa ito sa mga marami kong tula na nauuna muna ang title bago ang content
Post a Comment
<< Home